Inilabas na ng DILG ang listahan ng mga indibidwal na papayagang makapasok sa NCR plus border.
Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesman Jonathan Malaya, binunubo ang mga Authorized Persons Outside of Residence (APORS) ng mga health and emergency frontline services at uniformed personnel;
Government officials at employees “on-official travel”, relief at humanitarian assistance personnel, persons travelling for medical o humanitarian reasons, mga pupunta o manggagaling sa airport;
Mga empleyado ng mga pinahintulutang industriya, at public utility vehicle operators.
Ipiprisenta anya sa mga pulis ang IATF identification cards, valid ID o dokumento mula sa establisimyento at patunay ng dahilan ng pagtawid sa NCR.
Una nang inunsyo ng dilg ang pagpapatupad ng NCR-plus travel bubble simula kahapon. —sa panulat ni Drew Nacino