Hawak na ni incoming president Rodrigo Duterte ang listahan ng National Democratic Front of the Philippines na nominado para maging bahagi ng bagong administrasyon.
Ayon kay Duterte, talaga namang kahanga-hanga ang isinumiteng listahan ng 10 indibiduwal kasama ang apat na kababaihan.
Mula sa sources ng pahayagang Inquirer, kasama sa listahan si University of the Philippines Professor Judy Taguiwalo, Anakpawis Rep. Rafael Mariano, Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate at dating Solicitor General Silvestre Bello III.
Una nang inihayag ni Duterte na ilalagay nya bilang kalihim ng Department of Labor and Employment si Bello.
Habang nag-back out naman si Mariano ngunit pinalitan siya ni dating Bayan Muna Rep. Teddy Casiño.
Una nang ipinangako ni Duterte na ilalaan niya sa kakaliwang grupo ang mga pwesto sa Department of Agrarian Reform, Department of Social Welfare and Development at Department of Environment and Natural Resources.
By Rianne Briones