Inilabas na ng Commission on Elections (COMELEC) ang listahan ng mga ahensiya ng gobyerno na magiging parte ng task-force, laban sa vote-buying ngayong darating na 2022 election.
Ayon kay Comelec commissioner George Garcia, kinabibilangang ito ng Department of Justice (DOJ), Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).
Mangunguna sa kanila ang Comelec upang magbantay sa mga kandidato sa eleksyon.
Maliban sa mga nasabing ahensiya, una na ring isinapubliko ng Comelec ang iba pang ahensiyang kalahok ang; National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine Information Agency (PIA).
Maaaring magpalabas ng Motu Proprio investigation ang mga kalahok sa task force kahit walang reklamo mula sa isang indibidwal.—sa panulat ni Abby Malanday