Tugma ang listahan ng VACC o Volunteers Against Crime and Corruption at ang listahan ng Pangulong Rodrigo Duterte ng mga artistang sangkot sa bawal na gamot.
Ayon kay incoming SBMA chairman Martin Diño ng VACC, matagal na ang kanilang listahan at dumaan na rin ito sa beripikasyon.
Marami aniya silang pinagkukunan ng impormasyon dahil, maging ang mga nagtra trabaho sa mga bars ay nagbibigay ng tips kung sino sinong artista o mga nasa entertainment industry ang kilalang gumagamit o nagbebenta ng party drugs.
By Len Aguirre / Ratsada Balita