Inanunsiyo ng Food and Drug Administration (FDA) ang mga pangalan ng COVID-19 test kits na inaprubahan para sa commercial use o pagbebenta nito sa mga pharmacy o drugstores sa National Capital Region at iba pang lalawigan.
Ito ay binubuo ng 45 produkto para sa RT-PCR test, 42 para sa antigen test products, tig-13 para sa antibody immunoassay test products, at antibody rapid test kits na ginawa ng 33 manufacturer mula sa China, US at South Korea at may dalawa rin na gawa sa Pilipinas.
Samantala, umabot naman sa 29 na importer at distributor ang inaprubahang magbenta ng mga antigen test kit.
Sa kabila nito, sinabi ng FDA na kailangan pa ring isagawa ang mga RT-PCR at antigen test ng mga healthcare professional na siyang pangunahing batayan para malaman kung nagpositibo ang isang tao sa COVID-19.
Nabatid na nirekomenda ang mga test kit sa FDA ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) matapos pumasa sa mga pagsusuri. —sa panulat ni Angelica Doctolero