Naglabas ng listahan ng mga establisyemento sa Boracay Island ang Department of Tourism (DOT) kung saan maaaring tumuloy ang mga magtutungo sa isla oras na magbukas na ito sa publiko sa Oktubre 26.
Ayon sa DOT, nakasunod sa mga rekisito ng pamahalaan tulad ng mga Department of Interior and Local Government (DILG) at Department of Environmental and Natural Resources (DENR) permits at clearance ang nasa 25 mga establisyemento na kabilang sa listahan.
Samantala, sinabi naman ni DILG-OIC Eduardo Año na lilimitahan lamang sa hanggang 19,000 na turista ang papayagan na makapasok at manatili sa Boracay sa muling pagbubukas nito.
Paliwanag ni Año, nakabatay ang itinakdang limitasyon sa carrying capacity ng isla kabilang ang mga nagtatrabaho at mga residente doon.