Muling pinaalalahanan ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga kandidato sa nagdaang halalan 2022 na magsumite ng Statements of Contributions and Expenditures (SOCE) hanggang June 8.
Ayon kay COMELEC acting Spokesperson John Rex Laudiangco, dapat mag-submit ang mga kandidato at political parties ng kanilang mga nagastos gayundin ang kontribusyon na natanggap sa campaign period.
Paliwanag niya na ang mga nanalo sa nagdaang botohan na hindi nagpasa ng SOCE ay pinagbabawalang umako ng kanilang mga pwesto hanggang sa maghain ng nasabing statement.
Samantala, binalaan ni Laudiangco ang mga kandidatong lumampas sa kanilang campaign spending limits na posible itong maharap sa mga election offense.