Suportado ni Senador Panfilo Lacson ang hirit ni Vice President Leni Robredo na mabigyan siya ng listahan ng mga high – value target ng drug war ng gobyerno.
Ayon kay Lacson, dapat lamang na mabigyan ng listahan si Robredo dahil pangunahing impormasyon ito at dito rin nakabatay ang kanyang magiging pagkilos.
Aniya, kabilang si Robredo sa policy making at policy formulation kaya kinakailangan na malaman nito ang naturang impormasyon.
Kumpiyansa naman si Lacson na marunong ang pangalawang pangulo sa pag-handle ng mga classsified information at alam din niya ang kaukulang kaparusahan sakaling lumabas ito.
Una nang sinabi ni PDEA Director General Aaron Aquino na hindi na kinakailangan pa ni Robredo na kunin pa ang kopya ng listahan.