Ipinalabas na ng Malakanyang ang listahan ng mga araw na deklaradong holiday para sa 2020.
Batay sa proclamation number 845 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte, mayroong siyam na regular holidays para sa susunod na taon.
Kabilang dito ang January 1 – New Year’s Day; April 9 – Huwebes Santo at Araw ng Kagitingan; April 10 – Good Friday; May 1 – Labor Day; June 12 – Independence Day; August 31 – National Heroes Day; November 30 – Bonifacio Day; December 25 –Christmas; at December 30 – Rizal Day.
Habang meron namang pitong special non working days kabilang ang January 25 bilang Chinese New Year; February 25 – EDSA People Power; April 11 – Black Saturday; August 21 – Ninoy Aquino Day; November 1 – All Saints Day; December 8 – Feast of the Immaculate Conception; at December 31 – New Year’s Eve.
Idinagdag din sa special non-working days ang November 2 – All Soul’s Day at December 24 – bisperas ng pasko.
Samantala, nakadepende naman sa Islamic calendar at ipauubaya sa National Commission on Muslim Filipinos ang pagbibigay abiso sa Malakanyang para sa petsa ng paggunita sa Eid’l Fitr at Eid’l Adha na kapwa deklaradong regular holidays.
Kasunod nito, inatasan ng pangulo ang Department of Labor and Employment ang pagbalangkas sa implementing guidelines ng mga nabanggit na holidays.