Inilabas ng MMDA Ang listahan ng mga kalsadang sakop ng ipinapatupad na number coding scheme.
Ayon sa MMDA, epektibo ang “no window hour policy” sa lahat ng circumferential at radial roads sa Metro Manila.
Kabilang sa mga radial roads ay ang Roxas Boulevard mula C.M. Recto hanggang MIA Road; Taft Avenue mula Lawton hanggang Redemptorist; Osmeña Highway mula Quirino Avenue hanggang Nichols Interchange;
Shaw Boulevard mula Ramon Magsaysay Boulevard hanggang Pasig Boulevard; Ortigas Avenue mula Santolan hanggang Imelda Avenue; Aurora-Magsaysay Boulevards mula Legarda hanggang C-5 Katipunan;
España-Quezon Ave. at Commonwealth Ave. mula Carlos Palanca hanggang Quezon Ave. hanggang Commonwealth Ave. hanggang Mindanao Ave; a. Bonifacio mula Blumentritt hanggang EDSA-Balintawak;
Sa circumferential roads naman ay kasama rin ang C.M. Recto mula Roxas Bouelvard hanggang Legarda; A.H. Lacson Ave, Quirino Ave mula Roxas Boulevard hanggang R-10 at C.P. Garcia avenue mula Commonwealth Ave hanggang South Superhighway.
Kabilang din sa number coding scheme ang iba pang lansangan gaya ng a. Mabini street mula Samson road hanggang C-3, Caloocan; Alabang Zapote road mula alabang hanggang real street Quirino Ave at Mcarthur Highway mula Monumento circle hanggang Valenzuela-Meycauyan boundary.