Mahaba ang listahan ng mga di umano’y sangkot sa payola sa Bureau of Customs o BOC ang ilalantad ni Senador Panfilo Lacson sa kanyang privilege speech mamayang hapon.
Tiniyak rin ni Lacson na paulit-ulit niyang bineripika ang mga pangalang nakalagay sa listahan sa pamamagitan ng kanyang koneksyon sa militar lalo na sa ISAFT o Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippnes.
Sinabi ni Lacson na maliban sa mga opisyal ng Bureau of Customs na sangkot sa payola, may mga pribadong indibiduwal rin sa kanyang ibubunyag na listahan.
Ayon kay Lacson, mas malawak ang laman ng kanyang listahan kumpara sa mga nabunyag na sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.
Ipinaliwanag ni Lacson na ang mga nabanggit na pangalan sa senate hearing ay base lamang naman sa kung sino-sino ang mga naka-transaksyon na ng Customs broker na si Mark Taguba.
By Len Aguirre