Inilabas na ng national museum ang listahan ng mga lugar sa bansa na idineklara bilang national cultural treasures at important cultural properties sa taong 2015.
Ilan sa mga ito ay ang Kapilya de San Pacracio at Sementeryo Municipal ng Paco sa Maynila, mga parola sa Cadoc, Currimao, Pasuquin at Baccara sa Ilocos Norte.
Gayundin ang mga kampanaryo ng Laoag at bantay na nagsilbi ring watch tower noong panahon ng Kastila; ang imahe ng Birheng Maria, simbahan at paligid ng Manaoag sa Pangasinan, Cagsawa Ruins sa Albay.
Kabilang din ang Dampol Bridge sa Dupax del Sur sa Nueva Vizcaya; Camposanto de San Joaquin sa Iloilo; ang 1762 marker ng Alcairceria de San Fernando o Silk Market sa Binondo; ang Maradika o Qur’an ng bayang Lanao del Sur.
Kasama rin ang dalawang mural ni Vicente Manansala; apat na paintings sa simbahan ng Paete sa Laguna; Philippine Center for Population and Development Building sa Taguig, simbahan at paligid ng San Bartolome sa Malabon; Cariño House sa Candon Ilocos Sur; Callao Cave sa Peñablanca Cagayan Barit Bridge sa Iriga at Old Municipal Hall ng Baliuag sa Bulacan.
By Jaymark Dagala