May shortlist na ang Judicial and Bar Council (JBC) ng mga nominado para punan ang bakanteng puwesto sa Korte Suprema.
Pito ang napasama sa shorlist ng JBC na kinabibilangan ng anim na associate justices ng Court of Appeals at isang court administrator.
Sa mga napiling nominado mamimili ang Pangulong Rodrigo Duterte ng papalit sa nagretirong si Justice Andres Reyes.
Kabilang sa mga nominado sina Court of Appeals Associate Justice Priscilla Baltazar Padilla, CA Associate Justice Manuel Barrios, CA Associate Justice Ramon Cruz, CA Associate Justice Japar Dimaampao, CA Associate Justice Jhosep Lopez, Court Administrator Midas Marquez at CA Associate Justice Ricardo Rosario.