Inilabas na ng Comelec o Commission on Elections ang listahan ng mga nominees o kinatawan ng mga party list groups na kabilang sa mga pinayang makibahagi sa 2019 midterm elections.
LOOK: List of Party-List Groups and Their Nominees for the #NLE2019 pic.twitter.com/ithlniswo7
— COMELEC (@COMELEC) March 1, 2019
Isinapubliko ng Comelec ang pangalan ng mga nominees ng nasa 121 party list sa kanilang official Facebook account.
Ayon kay Comelec Spokesperson Director James Jimenez, layunin nang pagpapalabas ng mga pangalan ng party list nominees ang mabigyan ng pagkakataon ang publiko na makapamili ng kanilang iboboto.
Binigyang diin ni Jimenez na bagama’t ang party list organization sa kabuuan ang pinipili ng mga botante, mahalaga pa rin aniyang makilala at maging batayan sa pagboto ang mga nominees ng mga ito.