Pinalilinis ng House Committee on Ways and Means sa Bureau of Customs (BOC) ang listahan nito ng halos 13,000 importers at brokers.
Ito ayon sa komite ay para maalis ang dummy firms na ginagamit ng smugglers na nagpupuslit ng luxury cars, bigas, imported meats at iba pa.
Ang hakbang ng komite ay kasunod ng imbestigasyon sa Monacat Trading at Amest Trading na nahuli sa pagpuslit ng mga mamamahaling sasakyan sa Manila International Container Port at Batangas Ports.
Sinabi ni Committee Vice Chair Magtanggol Gunigundo na dapat i-assess ng BOC ang financial capability ng mga rehistradong importers para matiyak na lehitimo silang magdala ng goods sa bansa.
By Judith Larino