Inilatag ng Department Of Health ang listahan ng medical conditions na itinuturing na comorbidities para sa pilot vaccination sa mga edad 12 hanggang 17 anyos.
Kabilang sa mga ito ay ang health conditions tulad ng medical complexity, genetic conditions, neurologic conditions, metabolic/ endocrine, cardiovascular disease, obesity, HIV infection, tuberculosis, chronic respiratory disease, renal disorders at hepatobiliary.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang mga batang babakunahan na may comorbidities ay dapat na may clearance mula sa kanilang doktor.
Dapat din aniya na ma monitor ang mga kabataan matapos maturukan ng bakuna.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico