Ikinabahala ni President-elect Bongbong Marcos ang nilalaman ng Senate Committee report na tumutukoy sa mga sangkot sa agricultural smuggling.
Ito ang ibinunyag ni outgoing senate president Vicente “Tito” Sotto III matapos isumite kay Marcos ang nasabing listahan.
Umaasa si Sotto na maaaksyunan ng susunod na Pangulo ang issue ng smuggling dahil siya mismo ang uupo na kalihim ng Department of Agriculture.
Samantala, 17 senador ang lumagda sa naturang committee report ng committee of the whole.