Hindi pa tapos ang listahan ng mga sisibakin ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Pangulong Duterte, sa kaniyang pagbabalik sa Maynila ay mayroon nang nakatakda siyang sibaking mga opisyal sa Abril.
Bilang aniya’y pagpapatuloy ng paglaban sa katiwalian sa bansa.
Hindi naman muna ito pinangalanan ng Pangulo.
Sinabi pa ng Pangulo na kaniyang inaasahang magkakaroon ng ilang pagbabago sa executive department.
Magugunitang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi masaya ang Pangulo sa trabaho ng ilang opisyal kaya’t inaasahang magkakaroon umano ng pagbabago sa ehekutibo.
Kasalukuyang nasa Davao City si Pangulong Duterte at inaasahang doon na ito magpapalipas ng kaniyang kaarawan sa Marso 28 hanggang sa matapos ang Semana Santa.
—-