Isinumite na ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang inisyal na listahan ng 1, 036 na electoral board members na nagsilbi ng 24- oras noong May 9 elections.
Ito’y bilang bahagi ng panawagang bigyan ng Overtime pay ang mga poll worker, na karamiha’y guro, na nagsilbi sa nasabing halalan maging noong May 2019 midterm polls.
Ayon kay ACT Secretary General Raymond Basilio, ang nasabing hakbang ay tagumpay ng mga Teacher-Poll workers para sa kanilang laban upang magkaroon ng patas na sahod.
Una nang inihayag ni Comelec commissioner George Garcia na “Aproved in principle” na ang proposal na bigyan ng additional honoraria ang mga poll worker na nag-Overtime noong May 9 elections.
Nito lamang linggo anya ay nasa P20-M budget ang inilaan para sa additional honoraria, base sa accounting at auditing rules.