Naipadala na ng AFP sa PNP-CIDG ang mga detalye ng mahigit isanlibong kaso at paglabag sa Human Rights Law ng CPP-NPA mula 2010 hanggang 2021.
Ayon kay Brigadier General Alejandro Nacnac, director ng AFP Center for Law of Armed Conflict, kabilang sa mga ipinadala nilang datos ang mga paglabag ng NPA tulad ng paggamit sa mga kabataan bilang child warriors, paninira sa mga kagamitan ng mga sibilyan at gobyerno, paggamit ng anti-personnel mines, pagpatay at iba pa.
Tiwala si Nacnac na sa pagtutulungan ng AFP, PNP at task force Elcac ay matutuldukan na ang mga paglabag ng mga komunistang terrorista kasabay ang pagpapanagot sa mga ito.—mula sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)