Naglabas na ang liberal party ng initial list ng mga planong patakbuhin sa 2022 national elections.
Ito’y matapos ang inilunsad na National Executive Council meeting ng partido liberal.
Pasok sa inisyal na listahan sina Senators Francis “Kiko” Pangilinan, Leila De Lima at dating Senador Bam Aquino.
Ine-endorso na rin ng LP ang kandidatura ng kanilang “guest” senatorial candidates na sina Senador Risa Hontiveros mula sa Akbayan Party-List at Human Rights Lawyer Chel Diokno.
Gayunman, hindi pa naglalabas ng opisyal na plano si Aquino habang una nang nagdeklara si Diokno ng kanyang intensyong kumandidato muli sa pagka-Senador.—sa panulat ni Drew Nacino