Inilabas na ng Commission on Elections o COMELEC ang listahan ng mga partylist groups na posibleng makalahok sa May 9, 2016 polls.
Sa isang resolusyon, halos 200 grupo ang makakasama sa raffle na gaganapin sa December 14 raffle kung saan dito malalaman kung mailalagay sila sa official ballots.
Nabatid na 84 sa mga partylist groups ay ibinasura na ng COMELEC ang kanilang manifestation para makasali sa eleksiyon, subalit naghain ng motions for reconsideration sa En Banc.
Kabilang sa mga kilalang grupo na nakasama ay ang Abakada-Guro o Abakada, Abang Lingkod, ACT Teachers Partylist, Ating Koop, Ako Bicol Political Party, Bayan Muna, Gabriela at iba pa.
By Jelbert Perdez