Inilabas na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang listahan ng mga drivers at operators na nakatanggap ng fuel subsidy.
Ginawa ito ng LTFRB matapos ang reklamo ng ilang PUV operators na hindi pa sila nabibigyan ng ayuda.
Ayon sa LTFRB, kailangan lamang buksan ang inilabas nilang link upang makita kung nakapasok na sa account ng benepisyaryo ang ibinigay na tulong.
Bagaman aminado ang ahensya na hindi lahat ay nabigyan ng tulong, kanilang tiniyak na hindi sila titigil na ipatupad ang programa upang matulungan ang lahat ng apektado ng oil price hike.