Inilabas na ng Malakañang ang listahan ng Regular Holidays at Special Non-Working days para sa susunod na taon.
Alinsunod ito sa Proclamation 42 ni Pangulong Bongbong Marcos na nilagdaan naman ni Executive secretary Victor Rodriguez noong Lunes, Agosto a – 22.
Nakasaad sa proklamasyon na deklarado bilang Regular holidays sa taong 2023 ang bagong taon, January 1; Araw ng Kagitingan, April 9; Maundy Thursday, April 6; Good Friday, April 7;
Labor Day, May 1; Independence Day, June 12; National Heroes Day, August 28; Bonifacio Day, August 30; Pasko, December 25 at Rizal Day, December 30.
Kabilang naman sa Special Non-Working Days ang EDSA People Power Revolution Anniversary, February 25; Sabado De Gloria, April 8; Ninoy Aquino Day, August 21; Todos Los Santos, November 1;
Pista De La Immaculada Concepcion, December 8; huling araw ng taon, December 31 at additional Special non-Working Day naman ang November 2, araw ng mga patay.
Nakasaad din sa proklamasyon na ang deklarasyon ng National Holidays para sa paggunita ng Eid’l Fitr at Eid’l Adha ay ilalabas matapos madetermina ang eksaktong petsa alinsunod sa Islamic Calendar o Lunar Calendar.
Samantala, inatasan ng Palasyo ang Department of Labor and Development na bumalangkas ng mga alituntunin para sa nabanggit na proklamasyon.