Iprinisinta ng QCPD o Quezon City Police District ang litrato ng suspek sa panibagong insidente ng road rage na naganap noong Sabado sa Quezon City.
Sa isang press conference, sinabi ni QCPD Director Chief Supt. Guillermo Eleazar na si Fredison Atienza ang suspek sa pagbaril at pagpatay sa motorcycle rider na si Anthony Mendoza.
Positibong kinilala ng kapatid na biktima na si Michael ang naturang suspek.
Sinabi pa ni Eleazar na mali ang unang naianunsyong plate number na kulay puti na toyota land cruiser na AHA 3458.
Aniya, ang tunay na plaka ng sasakyan ng suspek ay AHA 3453 at ito ay nakapangalan sa anak ni Atienza na taga-Quezon City.
Nakatakdang i-turnover sa QCPD ang land cruiser, habang patuloy ang hot pursuit operation kay Atienza, bagaman nagpahatid na umano ito ng surrender feeler.
By Meann Tanbio |With Report from Jill Resontoc