Nagtaas na rin ng presyo ang ilang nagtitinda ng litson manok sa Metro Manila.
Sa pag-iikot ng DWIZ sa hanay ng mga tindahan ng litson manok sa A. Mabini street, Caloocan City, tumaas na ng hanggang P20 ang kada isang buong manok.
Naglalaro na sa P350 hanggang P360 ang jumbo litson manok mula sa dating P330 hanggang P340 habang ang super-half ay nasa P180 hanggang P190.
Ganito rin ang sitwasyon sa ilan pang tindahan ng litson manok sa Pasig City.
Ipinaliwanag naman ng mga nagtitinda na gasolina ang isa sa dahilan kaya sila nagtaas ng presyo.
Sa kabila nito, malakas pa rin anila ang bentahan at patuloy pa silang tinatangkilik ng kanilang mga suki.