Nagdiwang ang Filipino community matapos opisyal na kilalanin ang bagong Little Manila Avenue sa Roosevelt Avenue sa Woodside, Queen sa New York City.
Ang Little Manila Avenue mula 69th Street hanggang 70th Street sa kahabaan ng Roosevelt Avenue ay sentro ng negosyo at tirahan ng maraming Pinoy sa New York.
Maraming Pinoy community leaders, maliban sa online petition ang nag lobby sa City Council ng New York para isulong ang panukalang Little Manila sa nasabing lugar.
Ang paglusot ng nasabing panukala ay bilang pagkilala na rin ng City Council ng New York City sa naging sakripisyo ng Pinoy medical workers na naging frontliner sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
Noong nakalipas na taon ay ipinasa ng New York Council Parks and Recreation Committee sa botong 15-0 ang panukala ni dating City Council Jimmy Van Bramer na baguhin ang pangalan ng 199 Thoroughfares at Public Places kabilang na ang Little Manila.