Dinepensahan ni Michael V laban sa mga basher ang live action remake ng Voltes V: Legacy na ipalalabas sa GMA-7.
Sa kaniyang latest vlog, sinabi ni Michael V na hindi siya naniniwalang hindi na-impress at na-excite ang mga nambabash sa remake.
Kaya aniya huwag nang magpanggap ang mga basher nito na hindi sila excited na mapanuod ng Voltes V.
Dagdag pa nito, may mga nanggagaling-galingan lang kasi kaya kung ano-ano ang mga sinasabi ng mga ito na dapat ganito dapat ganyan.
Ani Michael siya man ay mataas din ang expectation sa remake ng Voltes V ngunit tiwala naman aniya siyang mabibigyan ito ng hustisya ng GMA 7.