Target ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) na buksan ang pintuan nito sa mga fans sa second round ng Season 84 Men’s Basketball Tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Ayon sa pamunuan ng liga, posible ang live audience lalo’t nasa magandang sitwasyon na ang National Capital Region (NCR) mula sa COVID-19.
Nakikipag-ugnayan na ang liga sa mga kinatawan ng moa arena at sa lokal na pamahalaan ng Pasay City upang maisaayos ang lahat bago ito ipatupad.
Samantala, magsisimula bukas sa Moa Arena ang uaap kayat mabilis na matatapos ang first round ng eliminasyon sa Abril a-nueve. – sa panulat ni Airiam Sancho