Inalmahan ng Pilipinas ang isinasagawang live-fire drills ng Taiwan sa paligid ng Ligaw o Taiping Island, na bahagi ng Spratly Islands.
Ayon sa Department of Foreign Affairs, iligal ang isinagawang aktibidad ng Taiwan at ginawa lamang nitong komplikado ang sitwasyon sa pinag-aagawang West Philippine Sea.
Ang Ligaw o kilala rin bilang Itu Aba, ay mahalagang bahagi ng Kalayaan Island Group na bahagi naman ng Palawan Province.
Isinagawa ang live-fire drills kahapon at nagpapatuloy ngayong araw.