Nagkasa ng live-fire drills gamit ang mga baril at rockets ang US Army helicopters na nakabase sa South Korea na kauna-unahang aktibidad simula noong taong 2019.
Magtatagal ang naturang pagsasanay hanggang sa Hulyo a-29 sa Rodriguez Live Fire Complex, malapit sa heavily-fortified demilitarized zone sa pagitan ng North at South Korea.
Matatandaang noong taong 2018, naudlot ang paggamit ng US Military sa Rodriguez Live Fire Complex sa Pocheon-Si City, dahil sa mga reklamo mula sa mga residente.