Nakiisa na rin ang isang arsobispo ng simbahang katolika sa panawagang pagayan ang live media coverage at streaming ng magiging pagbasa ng sakdal kaugnay sa Maguindanao Ampatuan massacre case.
Ayon kay Ozamiz Archbishop Martin Jumoad, siguradong nais ng publiko na marinig ang magiging desisyon sa naturang kontrobersiyal na kaso.
Una nang inihirit ng ilang grupo at ng media firms ang live coverage sa promulgation sa naturang kaso para mapakinggan ng mga kaanak na hindi makadadalo sa magiging pagdinig ng Korte.
Sa Disyembre 19, Huwebes, ilalabas na ni Quezon City Judge Jocelyn Solis–Reyes ang kanyang desisyon kaugnay sa nangyaring karumal dumal na pamamaslang sa halos 60 indibwal kasama ang mahigit 30 miyembro ng media.