Tiniyak ni Trade Secretary Ramon Lopez ang tulong sa mahihirap na komunidad na apektado ng 2-week enchanced community quarantine sa Metro Manila.
Ayon kay Lopez, namamahagi na ang kanilang regional at provincial office ng livelihood kits na nagkakahalaga ng 5,000 hanggang 10,000 pesos bilang grant sa mga nais magsimula ng kanilang micro-businesses tulad ng sari-sari store at carinderia.
Nasa 57,000 benepisyaryo na aniya ang kanilang naabutan ng tulong.
Nagkaloob din ang financing arm ng DTI na small business corporation ng zero-interest loans para sa mga existing micro, small at medium enterprises.
Nag-release na rin ang COVID-19 assistance to restart enterprises ng P5-B loans sa mga MSME na apektado ng lockdown.—sa panulat ni Drew Nacino