Going strong pa rin ang relasyon nina Enrique Gil at Liza Soberano.
Sa magkahiwalay na social media post, masayang ibinahagi ng dalawa ang litrato ng date nila nitong Valentine’s day.
Sa IG post ni Quen, makikitang hawak ni Liza ang bouquet of roses sa kanilang date na may caption na “to my gorgeous and only valentine, this is your night my love. Happy Valentine’s day. I love you forever and always’.”
Ishinare naman ni Liza sa kanyang IG stories ang post ni Quen at sinagot ito ng ”I love you”.
Sa isang panayam noong October 2021, sinabi ni Enrique na napag-uusapan na rin nila ni Liza ang posibilidad na mag-settle down.