Nanindigan ang magka-loveteam na sina Enrique Gil at Liza Soberano na hindi nila kailangang lagyan ng label ang kanilang relasyon.
Sa isang panayam sa telebisyon, pabirong sinabi ni Enrique na 19 na taong gulang pa lang si Liza at marami pa siyang dapat unahin.
Sa panig naman ni Liza, inamin niyang hindi pa siya handa para sa isang mas seryosong relasyon.
Gayunpaman, sinabi niyang maaari namang magmahal nang walang label.
By Avee Devierte
Photo: Screengrab from Liza Soberano / Instagram