Ikinagalak ng bidang aktres ng Dolce Amore na si Liza Soberano ang offer sa kanya ng dalawang international modelling agency.
Sa kanyang Instagram post makikitang ang mismong scout/manager ng Wilhelmina Models na si Jonathan Quentin ang nagtanong kung may nagawa na ba ang dalaga na modelling sa London.
Ang Wilhelmina Modeling Agency ay naka-base sa Dalas, Texas na mayroon din opisina sa New York, Los Angeles, Miami at London.
Nakuha rin ni Liza ang atensyon ng isang fashion film distribution platform na Models Net TV kung saan inimbitahan naman siya na sumali sa kanilang grupo sa Dubai-New Zealand Fashion Week 2016.
Sa ngayon ay inaabangan pa rin ang sagot ng teen actress.
By Jenny Valencia