Next level na talaga ang tambalan nina Liza Soberano at Enrique Gil o LizQuen.
Ito ay matapos na ipakilala ng aktor ang ka-loveteam sa kanyang buong pamilya sa Spain sa kanilang katatapos lamang na European trip.
Ayon kay Enrique, natutuwa siya na tanggap ng kanyang pamilya si Liza at gusting-gusto nila ito.
Dagdag pa ng aktor, ito ang kauna–unahang pagkakataon na may dinala siya at ipinakilalang babae sa kanilang tahanan.
Sa panig naman ni Liza, hindi din nito maitago ang kasiyahan dahil isang bibihirang pagkakataon aniya na maipakilala siya ng isang lalaking malapit sa kanya sa buong pamilya nito.