Tinanghal si Kapamilya Actress Liza Soberano bilang most beautiful woman in the world 2019 ng isang entertainment website.
Nanguna si Liza sa online voting na ginawa sa mga social media platforms tulad ng Facebook, Twitter at Instagram kung saan nakakuha ang aktres ng 370,420 votes.
Pumangalawa lamang kay Liza ang miyembro ng Korean Pop Star Group BlackPink na si Lalisa Manoban habang pumangatlo naman ang Thai Actress na si Urassaya Sperbund.
Pasok din sa top 10 ng listahan si Selena Gomez at Gal Gadot.