Naging emosyonal ang aktres na si Liza Soberano makaraang aminin na magiging ama na ang kanyang nakababatang kapatid na si Justin.
Ayon sa aktres, hindi siya galit sa kanyang kapatid ngunit hindi niya mapaliwanag ang kanyang naramdaman nang malaman ang sitwasyon na nabuntis ni Justin ang kanyang girlfriend.
Payo ni Liza sa kanyang kapatid na maging mas mature na sa kanyang magiging desisyon sa buhay dahil hindi aniya madali ang maging ama at magkaroon ng sariling pamilya.
Gayunman, mas ikinalungkot aniya ng aktres na mawawala na sa kanya ang itinuring niyang “baby boy” o baby brother sa kanilang pamilya.
Nangako naman si Liza na gagawin nito ang lahat para sa kanyang kapatid na si Justin.
—-