Nanindigan si Civil Service Commissioner Aileen Lizada sa kanyang alegasyon na tinutulugan ng Civil Service Commission (CSC) ang mga kaso o reklamo laban sa PhilHealth.
Ayon kay Lizada, nainiwala syang bahagi ng kanyang trabaho na tiyaking umuusad at nareresolba ang mga reklamong nakahain sa CSC.
May mga nakikita ako na mga kailangan asikasuhin, like former PhilHealth employees na nasa amin na nagreresolve ng PhilHealth cases, may mga ganyan. So, the propriety of case, I am looking into it, gusto kong makita ‘yung mga history ng cases before, paano na-resolve? And then, ano ba ang CSC before? Was it more on holding on to cases? Prolonging cases? Are we complying to the mandated period to resolve cases? Ganoon po,” ani Lizada. —sa panayam ng Ratsada Balita