Hinatulan ng guilty sa kasong graft ng Sandiganbayan 4th Division si Presidential Adviser for Environmental Protection at Laguna Lake Development Authority (LLDA) General Manager Neric Acosta.
Ito ay kaugnay sa maanomalyang paggasta ni Acosta sa kanyang Priority Development Assistance Fund o PDAF noong siya ay kinatawan pa ng Bukidnon noong taong 2002.
Dahil dito, pinatawan ng korte si Acosta ng 6 na taon at isang buwan hanggang 10 taong pagkakabilanggo.
Kasama sa hinatulan ang ina ni Acosta na si dating Manolo Fortich Mayor Maria Socorro Acosta na sinasabing nakipagsabwatan umano sa kanyang anak.
Iligal umanong inilipat ang Solar Tunnel Dryer na nagkakahalaga ng 2.5 million pesos mula sa munisipalidad ng Talakag patungo sa Manolo Fortich.
By Meann Tanbio | Jill Resontoc (Patrol 7)