Muling nag-isyu ng cease and desist order ang Laguna Lake Development Authority (LLDA) laban sa ilang pribadong establishments sa Maynila at Pasay City areas.
Kabilang sa mga inisyuhan ng cease and desist order ang Billion Building/Philippine Billion Real Estate Development Corporation sa Roxas Blvd. sa Pasay City, KH Sun Plaza sa Financial Center Area sa Roxas Blvd. sa Pasay, Tramway Bayview Buffer Restaurant sa Pasay City at D Circle Hotel sa Malate, Maynila.
Ayon sa LLDA, ang mga naturang establishment ay hindi nakasunod sa tinatawag na effluent standard para sa class “SB” batay sa kanilang saturation activities sa Manila Bay area at maging sa resulta ng laboratory analysis sa waste water samples na kinuha sa mga ito.
Pinadalhan din ng cease and desist order ng LLDA ang Le Mirage de Malate, Smart Land Resources, Malate Bayview Mansion, Sogo Hotel sa Quirino, GSIS sa GSIS Bldg. Financial Center sa Roxas Blvd., Pasay City, Peak motor Philippines, Makchang Korean Restaurant, 2blue Realty Corporation, Cebuana Lhuillier Bldg. sa E. Rodriguez st sa Roxas Blvd. at Robinsons Land Corporation o Robinsons Place sa Ermita.
Una nang naglabas ng parehong direktiba ang LLDA nuong isang linggo laban sa anim na private establishments malapit sa Manila Bay dahil sa paglabag sa ilang environmental laws at pagtatapon ng maruming wastewater sa dagat.