Nakatanggap ng notice of violation ang labindalawang establisyemento kabilang na ang tanggapan ng OWWA o Overseas Worker’s Welfare Administration sa Pasay City.
Ito’y ayon sa LLDA o Laguna Lake Development Auhtority ay dahil sa posileng paglabag ng nasabing tanggapan sa batas kalikasan bunsod ng pagdumi ng look ng Maynila.
Maliban sa OWWA, pinadalhan din ng LLDA ang notice of violation ang main-annex building ng CCP o Cultural Center of the Philippines na nakaharap sa Manila Bay sa Pasay City din.
Dahil dito, binigyan ng LLDA ng 15 araw o kalahating buwan ang mga naturang establisyemento para ipaliwanag kung paano ang kanilang sistema hinggil sa kanilang wastewater at solid waste management system.
Batay sa tala ng LLDA, aabot na sa 60 mga establisyemento na nakapaligid sa Manila Bay ang posibleng pinagmumulan ng mga dumi sa nasabing karagatan.