Hindi pabor si League of Municipalities of the Philippines National President Mayor Chavit Singson sa panukalang mas mahigpit na travel protocols dahil sa pagsirit ng kaso ng COVID-19.
Ayon kay Singson, mas maiiwasan pa ang pagsisiksikan o overcrowded sa Metro Manila kung papayagan ang publiko na magpunta sa iba’t-ibang mga probinsya sa bansa.
Dagdag pa ni Singson, kung sa kanilang probinsya, niluwagan anito ang kanilng border control pero pinayuhan ang mga biyahero na sumailalim ang mga ito sa quarantine oras na dumating sa lalawigan.
Giit pa ni Singson, ang sikreto at best practice ng mga lugar na wala nang kaso ng nakamamatay na virus ay ang pagsasagawa ng maigting na information drive.
Sa huli, ani Singson mas makabubuting paalalahanan ng mga awtoridad ang publiko na mahigpit na sumunod sa umiiral na health protocols kontra COVID-19.