Lumagda ng isang kasunduan ang pamahalaang lungsod ng San Juan at ang Government Service Insurance System (GSIS).
Ito’y para ilunsad ang GSIS Financial Assistance Program na inaasahang makatutulong para sa mga kawani ng pamahalaan mula sa city hall hanggang sa mga Barangay.
Pinangunahan ni San Juan Mayor Francis Zamora ang memorandum of agreement (MOA) signing na dinaluhan din ni GSIS Acting President Rolando Macasaet.
Ayon kay Macasaet, mas mabilis na ang magiging proseso para sa mga kawani ng pamahalaang lokal na humiram ng pera kaysa sa lumapit pa ang mga ito sa loan sharks.
Sa ilalim ng nasabing kasunduan, maaari nang mag avail ng hanggang P500,000 loan ng mga kawani ng San Juan City Government kung saan, magiging 3% na lamang ang interes kada buwan.
Maglalagay din ang GSIS ng Satellite Office sa city hall tuwing Huwebes at Biyernes para sa pagpoproseso ng mga nasabing loan.