Pinaiimbestigahan ni Senadora Leila De Lima sa senado ang mga loan condition na pinasok ng gobyerno para pondohan ang ambisyosong Build Build Build program.
Sa inihaing Senate Resolution Number 628, sinabi ni De Lima na kailangan na maging involve ang kongreso sa pagsuri sa mga pinasok na loan ng gobyerno upang makaiwas sa ano mang anomalya at pagkakamali.
Kasabay nito, binatikos ni De Lima ang kawalan ng transparency sa pinapasok nitong loan agreement sa China na posibleng magkaroon ng epekto sa claim ng bansa sa West Philippine Sea.
Tinatayang walong trilyong pisong ang planong gastusin ng gobyerno sa Massive Infrastracture Project na gagawin sa susunod na limang taon.