Pinirmahan na ng Pamahalaan at World Bank ang isang loan na magdadagdag ng $300M sa pondo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s).
Ayon sa pahayag na inilabas ng Department of Finance (DOF), ang karagdagang pondo ay makatutulong sa mga benepisyaryo ng naturang program.
Anila, ang karagdagang halagang loan ay makapagpapatibay sa inisyatibo ng Conditional Cash Transfer (CCT) sa bansa.
Magugunitang nasa higit $1B na ang naibigay ng World Bank sa pondo ng 4P’s mula pa noong 2010.