Inihayag ni Asian Development Bank (ADB) Principal Social Sector Specialist for Southeast Asia Sakiko Tanaka, na aprubado na ang $250-M o mahigit P12.5-B na ni-loan ng Pilipinas para sa pagbili ng karagdagang suplay ng mga bakuna sa gitna ng pandemiya.
Ayon kay Tanaka, magkakaroon ng karagdagang 40 milyong doses ng COVID-19 vaccine na gagamitin para sa mga eligible na mga bata at booster shots para naman sa mga matatanda.
Layunin ng pamahalaan na maprotektahan ang publiko o ang bawat isa sa panibagong virus na Omicron variant ng COVID-19.
Bukod pa dito, target din ng pamahalaan na mas gumanda ang management sa health system mula sa epekto ng virus at matulungang makabangon ang ekonomiya ng bansa. —sa panulat ni Angelica Doctolero