Inilatag ng GSIS, SSS at Landbank ang kanilang loan packages para sa mga biktima ng bagyong Tisoy.
Maliban sa calamity loan, maaari ring i-advance ng hanggang 3 buwan ang pensyon at maaari pang makapag loan para sa pagpapa ayos ng bahay na nasira dahil sa bagyo.
P20,000 naman ang alok na calamity loan ng GSIS na maaaring bayaran sa loob ng 3 taon.
Samantala, ang Landbank ay mayroon calamity rehabilitation support kung saan maaaring isailalim sa loan re-structuring ang mga mayroong loan sa kanila upang hindi muna magbayad.—ulat mula kay Jopel Pelenio (Patrol 17)