Pinaalalahanan ni Mae Catherine Ciriaco, ng Lending and Asset Management Division ng SSS ang mga nagkaroon ng calamity loan na maari silang mag-apply para sa loan restructuring program.
Ayon kay Ciriaco, mayroon kasing ilang kaso kung saan natatabunan na ang SSS member dahil nag abot – abot ang penalty ng kanilang mga utang.
Ipinaliwanag ni Ciriaco na sa ilalim ng loan restructuring program, tanging ang principal at interest na lang ang babayaran ng SSS member.
Tiniyak din ni Ciriaco na kahit nag-apply na sa LRT, maaari pa din muling mangutang pagkatapos ng 6 na buwan.
Bahagi ng pahayag ni Mae Catherine Ciriaco ng SSS
By Katrina Valle | Ratsada Balita